General Information Fort Bonifacio Poblacion/Tipas Upper Taguig Bagong Bayan Lakeshore District
Home
News
Events
Our City
Our Values
City Government
Taguig Institutions
Doing Business in Taguig
Other Services
Job Opportunities
Links
Contact Us
 
Check your e-mail
OUR CITY
 
General Information
Brief History
Barangay
 
DISTRICT I
 
DISTRICT II
.: BRGY. TUKTUKAN
 

BRGY. OFFICIALS (2007-2010)
Contact No. 642-0970

De Guzman, Arsenio Cagalingan
Brgy. Chairman
Brgy. Kagawad Ulanday, Suranie G.
Cruz, Antonio Garcia
Cruz, Eduardo De Guzman
Aquino Jr., Jaime Ramirez
Francisco, Florante Vicente
Lacsina, Edgardo Santos
Arriola, Jerick Bravo

SK Chairman

De Guzman, John Carlo C.

SK Councilors Bulandus, Don Tyrone G.
Ison, Querubin L.
Mendoza, Michael John R.
Billon, Thea Alasandra M.
Auro, Christian M.
Amistad, Robelyn L.
Malte, Richelle A.

Brgy. Secretary

Flores, Rodolfo A.

Brgy. Treasurer

Candaza, Maila T.

KASAYSAYAN NG TUKTUKAN

Ayon sa pagsasalin-saling nagsasalaysay ng mga iginagalang na katandaan sa barangay na ito, ang pangalang Tuktukan ay nagsimula noong ang ilog na naglalagos sa nayong ito ay galing sa Lawa ng Laguna at humahantong sa bahagi ng ilog Pasig sa dakong Buting ay sakdal linis at linaw na naging paboritong labahan ng maruruming damit ng mga kababaihan.

Dahil sa kalinisan ng mala-kristal na tubig at sa kagandahan ng tanawin, ang pook na ito ay naging tagpuan ng maraming mga taong nanggagaling sa mga karatig-nayon upang ang kanilang maruruming damit ay linisin at tuktukan sa pamamagitan ng paghampas ng malalaking bato na dinadaluyan ng matuling agos ng tubig. Ito ang pamamaraang ginagawa noong araw upang linisin ang maruruming damit.

Naging pangkaraniwan ng tanawin na kaalinsabay ng nagbubukang liwayway ay makikita ang langkay-langkay na kababaihan na bitbit ang mga batya’t palo-palo patungo sa pook na ito upang magtuktok ng maruruming damit. Kaya’t naging palasak na sa mga kababaihang naglalaba na itagubilin sa kanilang mga kaanak na sila ay patungo sa “Tuktukan”.

Dinala ng nayong ito ang pangalang Tuktukan na sumasagisag sa isang mabilis na pamamaraan ng paglilinis ng damit na araw-araw nating isinusuot sa ating katawan.

Ang naging dahilan kung bakit sa kabila ng maralitang pinagmulan ng mga mamamayan ng barangay na ito, ay buong bilis na pumaimbulong sa rurok ng tagumpay, ay sapagkat dito isinilang at naninirahan ang mga dakilang mamamayan na nagbigay ng ningning at karangalan sa kasaysayan ng ating bayan.

Sa ngayon, ang mahigit na isang libong pamilyang naninirahan sa barangay na ito ay nawang mga Katoliko. Isang munting kapilya na masinop na inaalagaan ng mga mamamayan ang tahanan ng kanilang Pintakasi, patrong San Bartolome, isa sa mga dakilang martir at apostoles ng ating panginoong Jesukristo.

Ang barangay Tuktukan, na siyang kinatatayuan ng pamahalaang bayan, punong himpilan ng pamatay-sunog, lying-in at Health Center at iba’t ibang gusaling pang-lokal at pang-nasyonal ay mayroong sukat na humigit kumulang sa tatlumput isang ektarya lamang. Dito rin matatagpuan ang isang bago at modernong sabungan, pinakamalaking pagamutang pribado at mga malalaki at mumunting bahay kalakal na sumasagisag sa pagiging sentro ng kalakalan s adakong ibaba ng bayan ng Taguig.

GEOGRAPHY / PHYSICAL CHARACTERISTICS:
MAPPING, LOCATION and BOUNDARIES:
Boundaries:
North: Calzada & Ususan   
South: Bambang & Ususan
East: Sta. Ana
West: Ususan

   

TOURISM / EDUCATION:
Education:    
Gen. Ricardo G. Papa Memorial High School  -public -secondary
Academia de San Bartolome -private -primary to secondary
     
HEALTH / NUTRITION / SOCIAL SERVICES:
Hospital-Private: Cruz-Rabe Gen. Hospital
Medical Clinic:  Lying-in Clinic & Rehydration Center
  Family Planning Clinic
Health Center: Bagong Lipunan Health Cente
   
OTHERS:
Religious Establishments: Roman Catholic Chapel
Cemetery: Roman Catholic Cemetery
Subdivisions:  B. E. Subdivision
  T & D Village 
  Vista de Lago (& Condominiums)

POPULATION DYNAMICS / HOUSEHOLD SIZE:

Population: 8,011
   


                          

                     

                  
                                
                             
                             
                             
                         
                                                
                             
                                               
                             

 

Home | General Information | Fort Bonifacio | Poblacion/Tipas | Upper Taguig | Bagong Bayan | Lakeshore District
News | Events | Our City | Our Values | City Government | Taguig Institutions | Doing Business in Taguig | Other Services
Job Opportunities | Links | Contact Us