Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player


One-Stop Shop Program para sa mga negosyante sa Taguig inumpisahan na!

Hinimok ni Taguig city Mayor Lani Cayetano ang mga negosyante sa lungsod na samantalahin ang ginaganap na “one stop shop” para sa pagkuha ng business permit, kasabay ng pahayag na kumpiyansa siyang hihigitan nito ang naitalang record ng nagdaang taon.

Ayon kay Mayor Lani, ang 15-araw na One-Stop Shop Program na pinangangasiwaan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ay sinimulan na nitong Enero 2. Ito ay tatagal hanggang sa ika- 20 ng Enero sa City Hall Auditorium.

Ang One-Stop Shop program na sinimulan ng Cayetano Administration noong 2011 ay naglalayong pagsama-samahin sa isang lugar ang iba’t ibang tanggapan na nagpo-proseso ng mga papeles para mapabilis ang pagkuha ng business permit at business license.

“Makakaasa ng mabilis at episyenteng serbisyo sa One-Stop Shop yaong mga Taguigueno na kumukuha o di kaya ay nagre-renew ng mga business permit,” pahayag ni Mayor Cayetano.

“Dito sa Taguig, ang pagpo-proseso ng business permit at business license ay itinuturing naming napakahalagang pangangailangan. Sinasaluduhan namin ang mga indibidwal na nagsusumikap sa paghahanapbuhay. Sila ang katuwang ng lungsod sa pagbuhay sa ating local business sector,” giit ng alkalde.

Sinabi ni Atty. Darwin Icay, hepe ng Public Information Office (PIO) at tagapagsalita ni Mayor Cayetano na naging mainit ang pagtanggap ng mga negosyante sa programa noong nagdaang taon kung saan 6,377 ang bilang ng nga transaksyon na nai-proseso. Ito ay di - hamak na mas marami kumpara sa record ng nagdaang administrasyon.

“Kung pagbabatayan ang mga numero ay masasabi nating buong-buo ang kumpiyansa ng business community sa estilo ng pamamahala ni Mayor Lani,” ayon kay Icay.

Samantala, tiniyak ni Mayor Lani na laging maghahanap ng paraan ang kanyang administrasyon para mapadali at mapabilis ang transaksiyon ng mga negosyante sa city hall.

Kabilang sa mga departamento na nagse-serbisyo sa One-stop Shop Program ng Taguig ay ang Treasurer’s Office; Assessor’s Office para sa real property tax; Fire Department; Sanitation; General Services Office at ang BPLO.###

 

 

 

September 8, 2011
REFORMS ARE WORKING: TAGUIG CITED BY DILG AMONG TOP PERFORMING
LGUS