Taguig welcomes PSE to new home


FacebookTwitterGoogle+
‘BGC is new finance center’
Untitled-1
Taguig City Mayor Lani Cayetano on Wednesday welcomed the merger of two stock exchanges in Bonifacio Global City, a development a veteran property consultant said marked a pivot from Makati as the country’s financial district.
 
The old Makati and Manila stock exchanges were finally unified at the Philippine Stock Exchange (PSE) Tower on 5th Avenue corner 28th Street on Monday.
 
The new building — two-thirds bigger than the old trading floor in Makati — has a big LED screen outside which covers almost three floors of the 21-story building and displays stock prices and other market data in real time.
 
The opening of the new building was attended by the local chief executive.
 
“Welcome to Taguig, your new home,” Mayor Lani said as she highlighted that the city was proud to be part of history in the making.
 
She also assured the stock exchange that the local government would do its part in maintaining safe operations there. The lady mayor said the PSE had the city government’s full support in its future projects.
 
“We will live up to expectations,” she added.
 
Earlier, PSE chair Jose Pardo said the stock exchange would have bigger offices and a new museum showcasing its rich history.
 
David Leechiu, president and founder of Leechiu Property Consultants, had said that the merger of the two stock exchanges in BGC only “confirms that [BGC] has replaced Makati as the finance center.”
 
Taguig City’s track record proves it has taken doing business seriously. It was awarded a Blue Certification Award by the Office of the Ombudsman for its streamlined frontline services in 2014. In 2016, the city earned its third “excellent” stamp by the Civil Service Commission for having the highest rating in the Anti-Red Tape Act compliance measures among 46 first-class cities.
 
The City of Taguig is currently the home of top corporations, embassies and government offices. New hotels, educational institutions and shopping malls have also sprung up in recent years within the fast-growing business districts of BGC and ARCA South.
 
Taguig City, despite being one of the youngest cities in the country, was also recognized last August 2017 by the National Competitiveness Council of the Philippines as one of the Most Improved Local Government Units in the category of Highly Urbanized Cities. 
 
“You can count on us in Taguig,” the mayor told PSE. ###
 
 
FILIPINO VERSION

BGC ang bagong ‘finance center’

Taguig pinasinayaan ang bagong PSE sa Bonifacio Global City

Malugod na tinanggap ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagdating sa lungsod ng makabagong pasilidad ng pinagsamang stock exchange, na matatagpuan na ngayon sa bagong lokasyon nito sa Bonifacio Global City.

Mula sa lungsod ng Manila at Makati, ang dalawang stock exchange ay makikitang nagsama na sa iisang establisimyento sa Philippine Stock Exchange Tower sa 5th Avenue, kanto ng 28th Street.

Sa pagpapasinaya na ginanap noong Lunes, isang beteranong property consultant ang nagsabi na ang paglipat ng dalawang stock exchange mula sa dalawang lungsod patungong Taguig ay isang hakbang na nagpapatunay sa patuloy na pag-angat ng Taguig bilang bagong financial district sa bansa.

Ang bagong building ng stock exchange sa Taguig, na halos two-thirds na mas malaki sa lumang trading floor nito sa Makati, ay may malawak na LED screen sa labas nito na sumasakop sa buong tatlong palapag ng kabuuang 21-story building. 

Ipinapakita sa LED screen display ang kasalukuyan at pinaka-bagong datos ng stock prices at iba pang market data.

Ang pagbubukas ng bagong stock exchange building ay dinaluhan ni Mayor Lani at iba pang mga opisyales ng lungsod at mga sikat na pangalan sa larangan ng komersyo.

“Malugod po naming tinatanggap ang maligayang pagdating sa Taguig ng bagong Philippine Stock Exchange,” wika ni Mayor Lani, na masayang dumalo sa makasaysayang pagbubukas ng bagong stock exhange office.

Siniguro naman ni Mayor Lani na gagawin ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang lahat upang maging ligtas, mapayapa at kaaya-aya ang bagong lugar ng stock exchange sa syudad.

Anya, suportado ng Taguig ang lahat ng programa at mga proyekto ng stock exchange. 

“Asahan po ninyo na patuloy na magiging ligtas ang lugar ng Taguig para sa bagong lipat na sentro ng komersyo,” wika pa ni Mayor Lani.

Nauna nang sinabi ni PSE chair Jose Pardo na ang stock exchange ay magkakaroon ng mas malaki at malawak na opisina at museo na magpapakita ng malalim at mayamang nakaraan ng PSE.

Sinabi naman ni David Leechiu, presidente at founder ng Leechiu Property Consultants, na ang pagsanib ng dalawang magkahiwalay na stock exchange sa iisang opisina sa Taguig ay patunay na ang BGC ay pumalit na sa Makati bilang finance center.

“This only confirms that [BGC] has replaced Makati as the finance center,” saad pa ni Leechiu.

Nagpapatunay din na ang track record ng Taguig City ay seryosong nakasentro sa pagbibigay ng mabilis at maayos na serbisyo upang maging kaaya-aya ang pagtatayo ng negosyo sa lungsod.

Nabiyayaan ng Blue Certification Award ng Office of the Ombudsman ang Taguig dahil sa maayos na frontline services nito noong 2014. 

Noong 2016 naman ay nakakuha ng pangatlong “excellent” stamp ang Taguig mula sa Civil Service Commission dahil sa pinakamataas at pinakamabisang programa ng lungsod sa pagsawata ng katiwalian o red tape. Nakakuha ang Taguig ng highest rating sa Anti-Red Tape Act compliance measures kumpara sa 46 first-class cities.

Ang lungsod ng Taguig ay kasalukuyang pangunahing lugar para sa malalaking kumpanya, mga embahada at mga bagong opisina ng pamahalaan.

Dito rin sa lungsod matatagpuan ang mga sikat at naglalakihang mga bagong hotel, eskwelahan at shopping malls simula nang maitayo ang BGC at ARCA South.

Ang Taguig City, sa kabila ng pagiging isang bagong syudad sa bansa, ay nakilala rin noong August 2017 ng National Competitiveness Council of the Philippines bilang Most Improved Local Government Units sa kategorya ng Highly Urbanized Cities. 

“Maasahan po ninyo kami dito sa Taguig,” saad pa ni mayor sa PSE. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 837-8132
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0917-5503727
PNP Taguig / COP 642-2060 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896