Gearing up for Undas 2014


Taguig sets 24-hr security, medical, traffic assistance ready

The observance of All Saints Day in Taguig City will have round-the-clock security, medical services and traffic assistance in all of the cemeteries on November 1 as the city government maps out the security arrangements during the annual holiday.

With thousands of people expected to flock cemeteries to visit their departed ones, preparations are underway to ensure that no untoward incident occurs come Undas.

“We want to make this commemoration and tradition as comfortable and safe as possible and we will make sure that all medical emergencies will be responded to on time,” said Mayor Lani Cayetano, adding that several offices within the local government and the Taguig Police had collaborated to secure and provide the necessary assistance to nine cemeteries within the city.

According to Evelyn Arago, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head, they will be securing nine cemeteries all-over the city.

These are:

  • Bagumbayan Cemetery
  • Hagonoy Cemetery
  • Tuktukan Cemetery
  • Ligid Catholic Cemetery
  • Aglipay Cemetery
  • Libingan ng mga Bayani
  • Garden of Memories
  • Maharlika Cemetery
  • Serenity Park Cemetery

Helpdesks, first-aid tents, well-lit streets

Moreover, helpdesks and first-aid tents will be strategically placed in all of the cemeteries in order to address any concern or respond to any medical emergencies.

The local government also has ensured that all areas in all of the cemeteries and all streets leading to them are well-lit.

Personnel from the Public Order and Safety Office (POSO) and the Taguig-PNP will be deployed to the cemeteries starting October 31 to secure the areas.

There will also be Motorists Assistance Centers along C-5 road manned by members of the Traffic Management Office (TMO), Taguig Rescue, POSO and Taguig-PNP.

The TMO will also be present to manage the traffic of vehicles expected to congest the roads near cemeteries.

Liquor, deadly weapons not allowed

Meanwhile, Mayor Lani warned citizens that liquor and deadly weapons are strictly prohibited in cemeteries on November 1.

“I encourage everyone to abide by the law. We will strictly enforce this prohibition and all those who will violate will be dealt with accordingly,” she said. ###

FILIPINO VERSION:

 

Handa na sa Undas

Taguig ikinasa ang 24-hr security, medical at traffic assistance operations

 

Handa na ang Taguig City government sa paggunita ng Undas. Kaugnay nito,  ipatutupad sa Taguig City  ang “round-the-clock” o 24-oras na security, medical services at traffic assistance operation sa lahat ng sementeryo sa lungsod pagsapit ng November 1.

 

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng libu-libo katao sa pagdalaw sa puntod ng kani-kanilang pumanaw na mahal sa bahay, ang lahat ng paghahanda ay isinasagawa sa layuning matiyak ang kaligtasan ng lahat at mapanitili ang kaayusan.

 

“Nais po namin na maging komportable, ligtas at  handa upang makatugon nang mabilis sa lahat ng uri ng medical emergency sa panahon  ng undas. ” sabi ni Mayor Lani Cayetano na inihayag din na ilang tanggapan  ng pamahalaang lungsod at ang Taguig Police ay may ginagawa nang pagtutulungan sa pagpapatupad ng seguridad sa siyam na libingan sa lungsod.

 

Ayon kay Evelyn Arago, ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head, sila ay magbabantay sa siyam na sementeryo sa lungsod, na kinabibilangan ng mga sumusunod:

–          Bagumbayan Cemetery

–          Hagonoy Cemetery

–          Tuktukan Cemetery

–          Ligid Catholic Cemetery

–          Aglipay Cemetery

–          Libingan ng mga Bayani

–          Garden of Memories

–          Maharlika Cemetery

–          Serenity Park Cemetery

 

May mga itatalagang help desk, first-aid tents at iilawan din ang mga daan patungong sementeryo.

 

Ang help desk at first aid tents ay ilalagay sa mga estratehikong lugar upang agad na makatugon sa mga mangangailangan ng tulong.

 

Pagsapit pa lamang ng October 31, ipapapakalat na ang mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) at Taguig-PNP para mangalaga sa seguridad.

 

Magkakaroon naman ng Motorists Assistance Centers sa bahagi C-5 Road, na pangangasiwaan ng mga miyembro ng Traffic Management Office (TMO), Taguig Rescue, POSO at Taguig-PNP.

 

Ang TMO ang siyang naatasan na mamahala sa daloy ng mga sasakyan at tiyaking maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga lansangan sa paligid ng mga sementeryo.

 

ALAK, DEADLY WEAPONS IPAGBABAWAL

 

Samantala, pinaalalahanan ni Mayor Lani ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang alak at pagdadala ng deadly weapons sa mga sementeryo sa Nobyembre 1.

 

“Hinihimok ko po ang lahat na sumunod sa batas. Mahigpit po nating  ipatutupad ang pagbabawal na ito at ang mga mahuhuling lalabag ay mahaharap sa kaukulang parusa,” sabi pa ni Mayor Lani. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 837-8132
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0917-5503727
PNP Taguig / COP 642-2060 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896