Taguig rolls out 2012 ‘One-Stop Shop’ program for businessmen


Taguig City Mayor Lani Cayetano urged her constituents to take advantage of the city hall’s ongoing “One-Stop Shop” application for business permits, as she expressed confidence that this year’s program will surpass its record last year.

According to Mayor Lani, the City Hall commenced the 15-day One-Stop Shop program under the Business Permit and Licensing Office (BPLO) last January 2 and would stay open until January 20 this year. Transactions are being carried out at the City Hall Auditorium.

Introduced by the Cayetano administration in 2011, the One-Stop Shop program brings together in one place all the offices needed in the process of renewing business permits and business licenses, thus saving her constituents time, effort and resources.

“Local residents who are seeking permits for their business or those looking to have their business permits renewed can expect the same quick and efficient service with this year’s One-Stop Shop,” said Mayor Cayetano.

“Here in Taguig, we consider this as a matter of urgency. We salute those who are striving hard to get food on their tables and in the process helping our city step into progress by revitalizing the local business sector,” the lady mayor stressed.

Lawyer Darwin Icay, chief of the Public Information Office (PIO) and spokesperson of the young mayor, said the program was so well-received in 2011 that a total of 6,377 business owners and proprietors were serviced. This is marked improvement from the past administration’s record.

“If these numbers are any indication, we can safely say that the business community here in Taguig has expressed its full confidence in the governing style of Mayor Lani,” Icay said.

Meanwhile, Mayor Lani said her administration is always looking for ways to make City Hall transactions easier and more convenient for business owners and proprietors in Taguig.

The different departments comprising the One-Stop Shop are the Treasurer’s Office, Assessor’s Office for those paying Real Property Tax, Fire Department, Sanitation, General Services Office and BPLO.

FILIPINO VERSION:

Hinimok ni Taguig city Mayor Lani Cayetano ang mga negosyante sa lungsod na samantalahin ang ginaganap na “one stop shop” para sa pagkuha ng business permit, kasabay ng pahayag na kumpiyansa siyang hihigitan nito ang naitalang record ng nagdaang taon.

Ayon kay Mayor Lani,  ang 15-araw na One-Stop Shop Program na pinangangasiwaan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ay sinimulan na nitong Enero 2. Ito ay tatagal hanggang sa ika- 20 ng Enero sa City Hall Auditorium.

Ang One-Stop Shop program na sinimulan ng Cayetano Administration noong 2011 ay naglalayong pagsama-samahin sa isang lugar ang iba’t ibang tanggapan na nagpo-proseso ng mga papeles para mapabilis ang pagkuha ng business permit at business license.

“Makakaasa ng mabilis at episyenteng serbisyo sa One-Stop Shop yaong mga Taguigueno na kumukuha o di kaya ay nagre-renew ng mga business permit,” pahayag ni Mayor Cayetano.

“Dito sa Taguig, ang pagpo-proseso ng business permit at business license ay itinuturing naming napakahalagang pangangailangan. Sinasaluduhan namin ang mga indibidwal na nagsusumikap sa paghahanapbuhay. Sila ang katuwang ng lungsod sa pagbuhay sa ating local business sector,” giit ng alkalde.

Sinabi ni Atty. Darwin Icay, hepe ng Public Information Office (PIO) at tagapagsalita ni Mayor Cayetano na naging mainit ang pagtanggap ng mga negosyante sa programa noong nagdaang taon kung saan 6,377 ang bilang ng nga transaksyon na nai-proseso. Ito ay di – hamak na mas marami kumpara sa record ng nagdaang administrasyon.

“Kung pagbabatayan ang mga numero ay masasabi nating buong-buo ang kumpiyansa ng business community sa estilo ng pamamahala ni Mayor Lani,” ayon kay Icay.

Samantala, tiniyak ni Mayor Lani na laging maghahanap ng paraan ang kanyang administrasyon para mapadali at mapabilis ang transaksiyon ng mga negosyante sa city hall.

Kabilang sa mga departamento na nagse-serbisyo sa One-stop Shop Program ng Taguig ay ang Treasurer’s Office; Assessor’s Office para sa real property tax; Fire Department; Sanitation; General Services Office at ang BPLO.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 837-8132
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0917-5503727
PNP Taguig / COP 642-2060 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896